TUGUEGARAO CITY-Nakadepende umano kung malakas ang ibubuhos na ulan ng Bagyong Tisoy bago magpakawala ng tubig ang National Irrigation Administration Magat Reservoir sa Isabela.
Ayon kay engr. Eduardo Ramos, Division Manager ng NIA Magat Reservoir, bagamat nagbigay na ng abiso ang kanilang pamunuan na magpapakawala ng tubig ngayong araw, oobserbahan pa rin kung malakas ang dala ng Bagyo.
Aniya, sa ngayon ay nasa 190.64meters ang level ng tubig kung saan nasa normal pang level at malayo pa sa spilling level na 193M.
Sinabi ni Ramos, kung sakali man na magpapakawala ng tubig ang kanilang pamunuan ay half meter lamang at kanilang pananatilihin ang 190Meters.
Kasama ang Isabela sa natakaas na signal no. 1 dahil sa bagyong Tisoy.
-- ADVERTISEMENT --