TUGUEGARAO Pinag-iingat ng National Irrigation Administration ang publiko matapos ang kanilang pagbibigay ng abiso na sila’y nagbukas ng isang spillway gate kaninang alas kwatro ng hapon.
Ayon kay Engr. Wilfredo Gloria,Department Manager ng NIA magat reservoir, may opening na isang metro at 200 cubic meters per second ang kanilang pinakawalang tubig sa magat dam.
Aniya, umabot sa 3000 cubic meters per second ang inflow ng tubig sa magat dam kung kaya’t kanilang itinuloy ang pagpapakawala ng tubig na unang kinansela kaninang umaga.
Sinabi ni Gloria na maari pang itaas ang papakawalan na tubig depende sa bilis ng pagtaas ng tubig ng magat dam.
Tiniyak naman ni Gloria na hindi magdudulot ng sobrang pagbaha lalo na sa mababang lugar ang pinakawalang tubig.