Nagbawas na ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) ng nakabukas na gate sa Magat Dam sa Ramon, Isabela.

Mula sa dating tatlong spillway gate na nakabukas mula alas 5PM, kahapon na may taas na 5 meters, ay ibinalik na kaninang alas 2:00 ng madaling araw ngayong Jan 5, 2025 ang dalawang gate na nananatiling nakabukas na may taas na apat na metro

Ito ay dahil sa nabawasan na ang mga pag-ulan sa watershed area ng dam.

Ang water elevation ng Magat Dam hanggang alas 3AM ngayong Enero 5, ay 191.79 meters habang ang inflow ay 750.47 cubic meters per second (cms) at ang outflow ay 1027.39 cms.

Sa kabila ng pagbabawas ng isang radial gate, pinayuhan pa rin ang mga naninirahan malapit sa mga ilog na dadaanan ng pinapakawalang tubig sa Magat na lumikas na kung kinakailangan dahil sa posibleng mga pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga posibleng maaapektohan ng pagpapakawala ng tubig ng Magat dam ay ang mga bayan sa Gamu, Aurora, Cabanatuan, at Reyna Mercdes sa Isabela at maging hanggang Tuguegarao City.

Pinayuhan din niya ang mga nagsasagawa ng quarry sa ilog Magat na ipagpaliban muna ang kanilang mga operasyon dahil sa panganib na dala ng pagtaas ng lebel ng ilog.