Nagbawas ng pinapakawalang tubig sa Magat Dam ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

Sa ngayon ay dalawang spillway gate na lamang ang nananatiling nakabukas na mayroong kabuuang tatlong metrong opening.

As of 8:00 nitong umaga ay nasa 182 meters above sea level ang water elevation ng dam. Mayroon itong 1,007 cubic meters per second na inflow o ang volume ng pumapasok na tubig sa dam habang 727 cms naman ang outflow nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division, sinabi niya na nakikitaan ng pagtaas ang elebasyon ng tubig sa Dam dahil na rin sa mga pag-ulang nararanasan sa upstream.

Bagama’t mas kakaunti ang outflow kumpara sa inflow ay kontrolado naman nila ito lalo na at ‘safe’ ang kasalukuyang water elevation ng dam.

-- ADVERTISEMENT --

Target naman nilang itaas sa 185masl ang antas ng tubig subalit kung mayroong makitang mga weather disturbances na maaaring makaapekto sa magat watershed sa mga susunod na araw ay hindi na nila paaabutin pa sa kasalukuyang target elavation.