
Nagbukas ang Magat Dam ng tatlong spillway gates na may kabuuang pagbubukas na anim na metro, dahilan upang umabot sa 978 cubic meters per second (cms) ang spillway discharge.
Sa pinakahuling ulat ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) nitong alas-10 ng gabi, Setyembre 22, 2025, naitala ang reservoir water level na 184.42 meters above sea level (masl), bahagyang mas mababa sa rule curve na 185.05 masl at sa normal high water level na 190 masl.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 761.78 cms ang inflow, habang ang kabuuang outflow ay 1,352.44 cms.
Pinapayuhan ang mga residente sa mababang lugar sa kahabaan ng Magat River na manatiling alerto sa posibleng pagbaha dulot ng patuloy na pagpapakawala ng tubig mula sa dam.