Lumakas at isa nang typhoon ang bagyong Nika.

May lakas ng hangin ang bagyo na 120 km/h at pagbugsong umaabot sa 150 km/h.

Kasalukuyang kumikilos ito sa direksyon na West Northwestward sa bilis na 20 km/h.

Huling namataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo sa layong 100 kilometro sa silangan timog silangan ng Casiguran, Aurora.

Base sa latest forecast, inaasahan itong maglandfall sa Isabela-Aurora area ngayong umaga bilang isang typhoon category.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, itinaas na ang WIND SIGNAL NO. 4 sa northernmost portion ng Aurora, central and southern portions ng Isabela, southeastern portion of Abra, central and eastern portions of Mountain Province, eastern portion of Ifugao, at western and southern portions of Kalinga.

WIND SIGNAL NO. 3 sa northern portion of Aurora, northeastern portion of Nueva Vizcaya, the northern portion of Quirino, the rest of Isabela, southwestern portion ng Cagayan gaya ng Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, at Piat, nalalabing bahagi ng Abra, the southern portion of Apayao (Conner, Kabugao), the rest of Kalinga, the rest of Mountain Province, the rest of Ifugao, the northern portion of Benguet, the southern portion of Ilocos Norte at Ilocos Sur.

WIND SIGNAL NO. 2 sa The central portion of Aurora, the rest of Nueva Vizcaya, the rest of Quirino, the northwestern and eastern portions of Cagayan gaya ng Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, at Gonzaga, the rest of Apayao, the rest of Benguet, the rest of Ilocos Norte, La Union, the northeastern portion of Pangasinan, at northern portion of Nueva Ecija

WIND SIGNAL NO. 1 naman sa nalalabiong bahagi ng Aurora, the rest of Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, the rest of Pangasinan, the rest of Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, the northern and central portions of Zambales, Metro Manila, Rizal, the eastern portion of Laguna, the northern and eastern portions of Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Camarines Norte, at the northeastern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Garchitorena, Lagonoy)

Dahil din sa bagyong Nika, asahan ang matitinding pag-ulan sa malaking bahagi ng Northern Luzon dahil sa inaasahang pagtama nito sa lugar.

Inaasahan din ang mga pag-ulan sa bahagi ng Central Luzon, MetroManila, at CALABARZON.

Tutumbukin ng bagyong NIKA ang kalupaan ng Northern Luzon hanggang sa mapadpad ito sa katubigan sa kanluran ng Ilocos Sur ngayong gabi at lalabas naman ng PAR bukas ng umaga.

Bukod kay typhoon “NIKA” ay naging Tropical Depression at Tropical Storm ang dalawang Low Pressure Area o LPA na binabantayan at sa kasalukuyan ay nasa labas pa ang mga ito ng Philippine Area of Responsibility o PAR.