Tuguegarao City- Patuloy na nakikipag-ugnayan ang National Meat Inspection Service (NMIS) Region 2 sa mga LGUs upang imonitor ang mga panindang karne sa mga pamilihan.
Ito ay bahagi upang matiyak na ligtas ang mga karne mula sa African Swine Fever (ASF).
Sa panayam kay Dr. Ronnie Ernst Duque Director ng NMIS Region 2, bahagi ito ng kanilang pag-iingat bilang hakbang sa lumalalang kaso ng ASF sa Isabela.
Aniya, sa gitna ng pandemya ay kailangang hindi na mahawa at maapektuhang muli ng sakit ang mga alagang baboy sa Cagayan.
Nakikipag-ugnayan din aniya ang kanilang tanggapan sa mga meat inspectors na bantayan ang galaw ng mga karneng baboy sa mga slaughter house.
Ayon kay Duque ay malaking tulong ang mga inilatag na mga quarantine checkpoints upang maiwasan din ang pagpasok ng mga smuggled meat at frozen products mula sa iba’t ibang lugar.
Tiniyak nito na mahigpit nilang babantayan ang mga pumapasok at lumalabas na produktong baboy sa lalawigan upang maiwasan ang posibleng pagkalat pa ng sakit ng mga alagang baboy.