TUGUEGARAO CITY-Tuluyan nang naaresto ng kapulisan ang number 1 most wanted person na dating Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa bayan ng Amulung.

Ayon kay Police Captain Albert Florentino, hepe ng PNP-Amulung, naaresto nila ang akusado na si Vicente Callo ,57-anyos, dating CAFGU at chief tanod ng Brgy Marobbob sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte.

Aniya nahaharap sa kasong homicide ang akusado na nangyari noong 2017 sa nasabing lugar ngunit nang malaman na nai-file na ang kaso ay nagtago ito agad itong nagtago.

Naaresto si Callo sa Brgy Masisit sa bayan ng Baggao, sa tulong ng mga impormasyong ipina-abot ng mga residente.

Nagkakahalaga naman ng P120,000 ang inilaan ng korte na piyansa para sakanyang pansamantalang kalayaan.

-- ADVERTISEMENT --