TUGUEGARAO CITY-Hawak na ng kapulisan ang isang magsasaka na itinuturing na number 1 most wanted dahil sa kasong panggagahasa sa bayan ng Amulung.
Ayon kay Police Captain Albert Florentino, hepe ng PNP-Amulung, hinuli ang akusado na si Arsenio Pascaul ng Pakak West, Amulung sa bisa ng warrant of arrest.
Aniya,matapos ang panggagahasa sa hindi na pinangalanang biktima ay nagtago na ito sa bulubunduking bahagi ng Baggao.
Ngunit nito lamang mga nakalipas na araw nang ipagbigay alam ng isang concerned citizen sa kinaroroonan ng akusado na dahilan nang pagkakahuli ng suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP-Amulung ang akusado.
-- ADVERTISEMENT --