Naaresto ng mga otoridad ang tinaguriang number 1 regional most wanted person dito sa Lambak Cagayan

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad, naaresto si alyas Efren, 50 taong gulang, isang magsasaka, at residente ng Brgy. Gen. Aguinaldo, Ramon, Isabela na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Silagan, Allacapan, Cagayan.

Naaresto ang pinaghihinalaan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 21, Santiago City dahil sa dalawang bilang ng kasong rape by sexual assault at walong bilang ng paglabag sa RA 8353 o ang Anti-Rape Law.

Ayon sa Police Regional Office 2, pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Ramon ang akusado.

Kaugnay nito, pinuri ni PBGEN Antonio Marallag Jr., acting regional director ng PRO2 ang mga nasa likod ng matagumpay na operasyon.

-- ADVERTISEMENT --