photo credit:PNP-kalinga

TUGUEGARAO CITY-Naaresto ng mga otoridad ang isang lalaki na no. eight most wanted sa probinsya ng Kalinga.

Kinilala ang akusado na si Christian Daggit, 21-anyos ng Barangay Dilag, Tabuk City.

Inaresto si Daggit sa Bulanao sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte.

Nabatid na nahaharap ang akusado sa kasong panggagahasa sa isang menor de-edad.

Naglaan naman ang korte ng P120,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

-- ADVERTISEMENT --