TUGUEGARAO CITY- Pinaalalahanan ng Public Order and Safety Unit o POSU ng Tuguegarao City ang mga motorista na muling ipatutupad ang “no helmet travel policy” bukas, August 21, 2019.
Ito ay matapos na suspindihin ng ilang araw ang pagsusuot ng helmet bunsod na rin ng bantang pag-atake umano ng ISIS sa lungsod kasabay ng “Afi Festival”.
Sinabi ni Vince Blancad, head ng POSU, na nagkaroon na sila ng information dessimination ukol dito kaya walang dahilan para may mga lalabag sa nasabing batas.
Katuwang ng POSU sa paghuli sa mga walang helmet ang PNP at Land Transportation Office.
-- ADVERTISEMENT --
Samantala, sinabi ni Blancad na mahigit sa 1,000 ang nahuli na lumabag sa nasabing patakaran.