photo credit: Tuguegarao City Information office

TUGUEGARAO CITY-Ipatutupad ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ang “No QR Code, No Entry Policy” sa lahat ng mga kawani at bumibisita o mayroong transaksyon sa City Hall.

Kaugnay nito, ipinayo ni Lenie Omoso, information officer ng Tuguegarao City government,para makakuha ng QR code ay i-download lamang sa iyong Android o Smart phones ang iGuard Digital Logbook.

Punan ang mga hinihinging impormasyon at pindutin ang save.

Magbibigay ang App ng automated QR code na siyang i-scan o i-presenta sa scanner na matatagpuan sa city hall lobby.

Sa mga wala namang Android o Smart phones, maaari namang humingi ng printed QR code sa Public Assistance and Complaint Desk Officer na matatagpuan sa bungaran ng City Hall.

-- ADVERTISEMENT --

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Omoso na ang Quick Response o QR code system ay simula sa hangaring implementasyon ng contactless o paperless transaction sa pamahalaang panlungsod at makakatulong para malabanan ang pagkalat ng Covid 19 sa kalungsuran.

Ito ay bilang kapalit ng pagrerehistro sa logbook na posible pang maging daan ng pagkalat ng sakit at magsisilbing “Digital Logbook” upang mapadali ang Contact Tracing System ng lungsod.

Ayon kay Omoso na nasa information dissemination stage ang LGU Tuguegarao para sa tuluyang implementasyon ng paggamit ng QR code sa mga susunod na araw. With reports from Bombo marvin CAngcang