TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ni Edmund Pancha,information officer ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao na sinimulan na pag-abiso sa mga mamamayan ng lungsod na kailangan na ang segration ng kanilang mga basura.

Subalit sinabi ni Pancha na simula sa July 1,2019 ay mahigpit nang ipapatupad ang Solid Waste Management Act kung saan ipapatupad na ang ‘no segration,no collection policy” sa mga basura.

Ayon kay Pancha,layunin ng nasabing hakbang ay upang mapanatili ang kalinisan sa lungsod ng Tuguegaerao.

Sinabi niya na dapat na may material recovey facility ang isang barangay para dito itatapon ang mga nabubulok na mga basura at mga pwedeng pakinabangan tulad na lamang ng mga plastic at mga botelya.

-- ADVERTISEMENT --

Vc pancha june 22 a

Samantala, pinaalalahanan ni Pancha ang mga negosyo na hindi pa nagre-renew o wala pang business permit na kailangan nang kumuha ng nasabing dokumento.

Sinabi ni Pancha na mahigpit ang monitoring ngayon ng mga kinauukulan sa mga walang business permit.

Inihalimbawa ni Pancha ang ginawa ng Business Processing and Licensing Office na pagpapasara sa ilang negosyo sa Macapagal Avenue dahil sa kabila ng ibinigay sa kanila na abiso at palugit ay hindi tumugon ang mga ito.

Bukod sa kawalan ng business permit,ipinasara din ang mga negosyo na ipinatayo sa hindi commercial at flood prone area.

Vc pancha june 22 b

Sa ibang banda,inaanyayahan ni Pancha ang lahat na makiisa sa commemoration ng liberation ng ng Tuguegarao City mula sa pananakop ng mga hapon noong World War 2 sa June 25.