TUGUEGARAO CITY- Hindi na mangonglolekta ng basura ang mga waste collectors sa araw ng Linggo simula sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Sinabi ni Atty. Noel Mora, head ng City Environment and Natural Resources na ito ay ipang magkaroon din ng isang araw na pahinga ang mga waste collectors.
Dahil dito, pinayuhan ni Mora ang mga residente na ilabas na lahat ang kanilang mga basura sa araw ng Sabado.
Sinabi ni Mora, maging ang mga food waste ay kokolektahin subalit kung may compost pit sa inyong lugar ay mas mainam na dito na lamang itapon ang mga nasabing basura.
Kaugnay nito, inatasan ni Mayore Jefferson Soriano ang mga barangay officials na ipaalam ang nasabing impormasyon sa kanilang mga mamamayan upang walang maging rason kung bakit hindi nahakot ang kanilang mga basura.