
Hindi ipinatutupad ang “No Work, No Pay Rules” para sa mga senador na absenero o hindi nakakadalo ng sesyon.
Kaugnay ito sa halos mag-iisang buwan na pagliban ni Senator Bato dela Rosa sa sesyon matapos pumutok ang balitang may nakaambang na warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC).
Paliwanag ni Gatchalian, hindi nag-a-apply ang “no work, no pay” sa mga mambabatas dahil depende ito sa category hindi tulad sa mga daily wage earner ng Senado.
Sa pagkakaalam pa ni Gatchalian, kapag aabsent ang isang senador sa personal na kadahilanan tulad ng maysakit, kailangang magpadala ng formal letter sa komite at kay Senate President Tito Sotto III.
Mahalaga aniya ang formal letter dahil ito ang magsisilbing official reason ng isang senador bakit hindi siya nakadalo sa pagdinig.
Sa kaso naman ni Sen. Bato, sinabi ni Gatchalian na walang ipinadalang formal letter sa kanyang komite na aabsent ang senador at nakiusap lang sa kanya ang staff nito kung pwedeng siya na ang magdefend ng budget ng Department of National Defense (DND).
Dagdag pa ni Gatchalian, mainam kung mapag-usapan sa caucus ang ganitong isyu na matagal na pagliban ng isang senador lalo’t ngayon lamang din ito nangyari sa mataas na kapulungan.










