Patay ang isang nominee ng Bumbero partylist matapos na tambangan at pagbabarilin sa Sampaloc, Manila kahapon ng hapon.
Kinilala ang biktima na si dating chairman ng nasabing partylist na si Leninsky Bacud.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni District Director P/Brig. Gen. Benigno Guzman, nakita ng ilang saksi na nakasakay ng motorsiklo ang mga gunman.
Nakipagbarilan pa umano ang mga guman sa mga pulis na rumesponde sa lugar.
Isinugod ang biktima na tinamaan ng bala ng baril sa kanyang dibdib, subalit binawin din ng buhay.
Si Bacud ay ikalawang nominado ng nasabing partylist.
Tinamaan din ng mga bala ang ilang sasakyan na nakaparada sa lugar sa gitna ng putukan.
Sinabi ni Guzman, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon at pagtugis sa mga salarin.