Tuguegarao City- Boluntaryong sumuko sa PNP Sto. Niño ang isang miyembro ng Communits Terrorist Group (CTG) sa nasabing bayan.

Kinilala ang sumukong si Ka Jass, 30 anyos at residente ng Brgy. Centro Norte.

Ayon kay PLT Joel Guban, hepe ng PNP Sto. Niño, taong 2009 pa ng umanib sa grupo ng NPA si Ka Jass kung saan nahikayat siya ng pitong miyembro ng mga makakaliwang grupo na nagsagawa ng recruitment sa kanilang bayan.

Inihayag din aniya ni Ka Jass na may mga kasamahan din siyang nahikayat ng grupo mula sa iba’t ibang barangay sa kanilang bayan.

Batay sa salaysay ni Ka Jass, sumailalim din sila sa Individual Combat Training bago sila binigyan ng armas at naatasan din siyang pangunahan ang isang platoon.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit, nang maranasan ang hirap sa kabundukan ay naisipan aniya nitong tumakas at kumalas sa grupo.

Kasabay ng kanyang pagsuko ay ipinasakamay din niya sa hanay ng pulisya ang isang 12 gauge ng homemade shotgun na ibinigay umano sa kanya ng siya ay umanib sa grupo.