Kinumpirma ng National Security Council na muling nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng mga barko ng China at Pilipinas sa Escoda o Sabina Shoalsa West Philippine Sea kaninang madaling araw.
Subalit, kinontra ni Jonathan Malaya, spokesperson ng NSC ang pahayag ng spokesperson ng China Coast Guard na iligal umano ang pagpasok ng mga barko ng Philippine Coast Guard na BRP Cape Engaño at BRP Bacagay sa nasabing shoal.
Pinabulaanan din ni Malaya ang pahayag ng CCG na sinadyang binangga ng vessel ng bansa ang barko ng China.
Sinabi ni Malaya na na binangga at nagsagawa ng “aggressive maneuvers” ang mga barko ng China coast guard habang naglalayag para magdala ng supplies sa Lawak at Panatag islands.
Ayon sa kanya, habang naglalayag 23 nautical miles southeast ng Escoda Shoal ang BRP Cape Engaño, nagsagawa ng agressive manuevers ang barko ng CCG.
Sinabi niya na dalawang beses na binangga naman ng barko ng CCG ang BRP Bacagay habang ito ay nasa 21.3 nautical miles southeast ng Escoda Shoal na nagresulta sa bahagyang pinsala sa nasabing barko.
Una rito, sinabi ng spokesperson ng China na sinadya umanong binangga ng barko ng bansa ang kanilang vessel sa kabila na nagbigay sila ng mga babala na sila ay pumasok sa inaangkin nilang teritoryo na tinawag nilang Xianbin Reef sa Nansha Islands.