Handang makipag-ugnayan ang National Security Council (NSC) kay Sen. Imee Marcos matapos ang kanyang kamakailang pahayag na plano ng China na magpadala ng “hypersonic missiles” sa ilang lugar sa Pilipinas.
Ipinahayag ito ng senadora matapos nagkasundo ang Beijing at Manila na pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea.
Sinabi ng NSC na ang Pilipinas at China ay handang ayusin ang anumang hindi pagkakaintindihan, kaya’t wala silang nakikitang banta ng pag-atake.
Noong Hulyo 1, nag-post si Marcos ng video sa kanyang social media account kung saan sinabi niya na pinaplanong padalhan ng Chinese government ng hypersonic missiles ang 25 lugar sa Pilipinas.