

Tuguegarao City- Namamahagi ng punong kahoy ang National Tobacco Administration Cagayan bilang pakikiisa sa National Greening Program ng pamahalaan.
Sinabi ni Corazon Riazonda, Manager ng NTA Cagayan, na hindi lamang mga tobacco farmers ang binibigyan ng puno na itatanim kundi kasama na rin ang mga LGUs, paaralan, mga private sectors at iba pa.
Aniya ay sinimulan nila ang nasabing programa mula pa noong 2013.
Mula noong 2019 hanggang sa kasalukuyan ay target ng NTA Cagayan na makapagtanim ng 200k na punong kahoy sa buong rehiyon.
Sa ngayon ay nakapagdistribute na aniya sila ng nasa mahigit 53, 800 na seedling tree sa iba’t ibang sektor at tanggapan.
Ayon pa kay Riazonda, kabilang sa mga bayan na nakabahagi na sa programa ay ang Gattaran, Baggao, Alcala, Piat, Rizal, Sto. Niño, Lasam, Iguig, Tuao, Penablanca at Tuguegarao City.
Tiniyak naman nito ang mahigpit na pakikipag-ugnayan para sa monitoring ng mga itinatanim na punong kahoy.










