Inamin ng National Telecommunications Commission (NTC) na patuloy pa rin ang text scams na nambibiktima sa ilang indibidual sa kabila ng mandatory na SIM (subscriber identity module) card registration sa ilalim ng SIM Registration Act of 2022.
Iginiit ng NTC na habang ang SIM Registration Act ay isang mahalagang sandata para labanan ang scams gamit ang mobile phones na nagpapataw ng legal sanctions sa mga SIM-aided offenses, hindi pa rin nito ganap na mapapatigil ang messaging scams.
Reaksion ito ng NTC matapos na akusahan ni Sen. Sherwin Gatchalian ang ahensiya na natutulog sa kanilang trabaho kasunod ng pagsalakay sa Smartweb Technology Corp. sa Pasay City, Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban, Tarlac, at Lucky South 99 sa Porac at Angeles City sa Pampanga kung saan nakuha ang maraming SIM cards na ginamit umano sa mga iligal na aktibidad at scamming activities.
Sinabi ni Gatchalian na ang mga SIM cards na nakuha sa Zun Yuan, nakita na naglalaman ito ng mga pekeng identities, kasama ang maraming telepono at scripts para scamming.
Ginamit umano ang mga nasabing SIM cards sa loce scams, cryptocurrency scams, at iba pang investment scams.
Sinabi ng NTC na ang scamming activities ay naging regional phenomenon at hindi lamang nangyayari ang mga ito sa Pilipinas.
Dahil dito, aminado ang NTC na kailangan na palakasin at paigtingin pa ang pagpapatupad ng SIM card registration.