TUGUEGARAO CITY-Kinumpirma mismo ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na siya’y positibo sa coronavirus Disease 2019 (Covid-19 ).

Sa naging panayam kay Gov. Padilla, nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang ilang opisyal ng naturang lalawigan nitong nakaraang linggo kung saan isa sa kanilang nakasama ay nagpositibo sa virus.

Dahil dito, agad siyang sumailalim sa swab test at lumabas ang resulta nitong araw na siya’y positibo sa virus.

Aniya, wala naman siyang nararamdaman na anumang sintomas ng virus habang kasalukuyang naka-isolate sa quarantine facility.

Tiniyak naman ni Padilla na tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho para sa kanyang mga residente habang siya’y nagpapagaling.

-- ADVERTISEMENT --