Idineklara ng insurgency cleared o malaya na sa impluwensiya ng makakaliwang grupo ang buong lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Army Major Rigor Pamittan ng 5th infantry division ng Philippine Army, ang deklarasyon ay base sa naging rekomendasyon ng provincial peace of order council at ang pronvincial task force.

Ito ay sinaksihan mismo ng mga matataas na opisyal ng Armed forces of the Philippines, Philippine National Police at Police Regional Office 2.

Aniya, isa sa mga naging batayan ng Provincial Task force para irekomenda ang insurgency free ay dahil sa patuloy na monitoring sa mga nagdaang taon kung saan wala nang naitala pang presensiya ng mga armadong grupo at pagkilos ng mga komunista.

Kaugnay nito sinabi pa ni Pamittan, na patuloy silang maghahatid ng serbisyo publiko at kaagapay sila ng ng mga lokal na pamahalaan upang masigurado na wala ng makakapasok pa na makakaliwang grupo sa nasabing lalawigan at malilinlang na sumama na maging miyembro ng nga terorista.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay tatlong lalawigan na ang naitalang insurgency cleared sa nasasakupan ng 5th ID at ito ay ang probinsiya ng Ilocos, Quirino at Nueva Vizcaya habang inaantay at minomonitor na lamang din ang deklarasyon ng Isabela habang malapit na rin mahuli ang mga natitirang miyembro ng mga makakaliwnag grupo sa Cagayan kung saan mayroong 20 personalities nalang ang namomonitor.