Nakatakdang magbigay ng survival go bag ang Provincial Disaster Risk and Management Office o PDRRMO ng Nueva Vizcaya sa mga pamilyana vulnerable at lantad sa panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sinabi ni King Webster Balaw-ing, head ng nasabing tanggapan na nasa proseso na sila ng pagbiya ng initial na 14, 000 na survival go bag.
Ayon sa kanya, batay sa kanilang datos, 36, 000 households ang kailangan na mabigyan ng nasabing kagamitan na kanilang magagamit sa panahon ng mga kalamidad o sakuna.
Sinabi niya na ang ideya sa pamimigay ng survival go bag ay mula sa Pasig City na nakita nila na malaking tulong ito sa mga residente.
Ang survival go bag ay water repellent, maaaring gamiting floating device kung may baha, at ang laman nito ay flaslight, pito, ilang gamot, first aid kit, portable radio at tali.
Sinabi ni Balaw-ing na bago ibigay sa mga benepisyaryo ay ipinapaliwanag muna nila kung ano ang gamit ng survival go bag at maging ang mga laman nito.