Pormal na inihain sa Kongreso ni Nueva Vizcaya Congressman Tim Cayton ang House Bill 2691 (Universal Social Pension) na humihiling ng ₱1,500 monthly social pension sa lahat ng mga senior citizen sa buong bansa.

Ayon kay Cayton, ang nasabing HB ay handog sa lahat ng mga seniors na Pilipino, anuman ang kanilang mga katayuan sa buhay, mahirap man o mayaman. 

Sinabi ni Cayton na sa loob ng 9 na taon na pagiging Mayor nito sa kanyang bayan sa Dupax del Norte, mula 2016 hanggang 2025, ay walang naiwanan sa mga senior citizen sa kanyang nasasakupan matapos siyang gumawa ng programa para mabigyan silang lahat ng pension.

“Walang maiiwan. Let’s give our elders the support and dignity they truly deserve,” pahayag ni Cayton na isang kilalang abogado.

Dahil sa nasabing programa at  iba pang mga social services na ipinarupad ng LGU- Dupax del Norte ay pinarangalan si Cayton bilang outstanding mayor of the Philippines noong 2023.

-- ADVERTISEMENT --

“Our senior citizens will always occupy a special place in my heart,” dagdag ng bagitong mambabatas.

Dahil sa mga social services na ipinatupad ni Cayton lalo na sa pagtulong sa mga elders, kabataan, magsasaka at lahat ng sektor ay nag- umapaw naman ang suporta ng mga residente ng Nueva Vizcaya sa katatapos na May 12 elections matapos siyang makakuha ng malaking boto at magwagi bilang bagong Congressman sa kabila na siya ang pinakabata sa kanilang 7 na magkakatungali.

Inaasahan naman ng mga senior citizen na maipasa ang nasabing HB upang matulungan ang lahat ng mga elders na walang pinipili, mayaman man o mahirap.