Tatanggalin na mula sa listahan ang mga nuisance at placeholder candidates para sa 2025 midterm elections bago matapos ang Nobiyembre ayon kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia.
Tiniyak din ng poll body chief ang agarang aksiyon ng Comelec en banc sa naturang isyu.
Lahat aniya ng disqualification cases partikular na ang nuisance candidates ay reresolbahin sa national at local.
Sinabi pa ng opisyal na ang mga kandidato na naghain ng kanilang kandidatura para lituhin ang mga botante dahil sa magkatulad na pangalan sa ibang aspirant o ang mga na-hire para tumakbo kapalit ng pera ay tatanggalin na bago pa iimprenta ang mga balota.