Arestado ang tinaguriang number 5 most wanted person sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Ang nasabing wanted person ay may kasong rapoe by sexual abuse sa ilalim ng Section 5(B) ng RA 7610, na may rekomendadong piyansa na Php200,000, at tatlong bilang ng qualified rape na walang inirekomendang piyansa.

Naaresto ang akusado ng pinagsanib na puwersa ng PNP Claveria, Provincial Intelligence Team Cagayan North, Regional Intelligence Unit 2, 203rd Maneuver Company, RMFB 2, at 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.

Sa Brgy. Centro 6 sa nasabing ring bayan, naaresto ang 66-anyos na lalaki sa kasong illegal possession of firearms and ammonition.

Samantala, naaresto rin ang isang pang wanted person na 56-anyos sa Barangay Maguilling, Piat, dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --

Ang tatlong naaresto ay dinala sa kani-kanilang mga himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon bago dalhin sa kani-kanilang court of origin.