TUGUEGARAO CITY- Arestado ang isang tricycle driver sa Tumauini, Isabela na may kasong two counts of rape through sexual assault at two counts ng attempted rape matapos ang anim na buwan na pagtatago sa batas.

Sinabi ni PMaj. Junniel Perez, hepe ng PNP Tumauini na itinuturing na number 1 most wanted si Jethel Ryan Pereira, 25 anyos, may asawa sa Isabela.

Ayon kay Perez, sa salaysay ng 13 anyos na biktima, ginawa umano ng akusado ang pang-aabuso at pangmomolestiya noong buwan ng Mayo ngayong taon sa mga oras na wala ang kanyang mga magulang dahil sa nagpunta sila sa bukid.

Sinabi ni Perez na nagtulong-tulong ang kanilang hanay at ang PNP Isabela para mahuli ang akusado.

Idinagdag pa ni Perez na P480k ang piyansa ng akusado sa kanyang mga kaso.

-- ADVERTISEMENT --