Tuguegarao City- Nababahala ngayon ang National Union of People’s Lawyer (NUPL) sa nilagdaang Anti-Terrorism Act of 2020 sa maaaring pagkaabuso sa karapatang pantao.

Sa panayam kay Atty. Rey Cortez, Secretary General ng NUPL, may mga probisyon ang batas na nais tumbukin ang mga aktibista at kritiko ng pamahalaan.

Paliwanag nito, hindi pa man nagiging ganap na ang Anti-Terrorism Law ay sunod sunod na ang ginagawang red-tagging ng pamahalaan laban sa mga kritikong nagsusulong lamang ng pagbabago.

Ito aniya ang isa sa magiging paraan upang patahimikin ang mga nasabing grupo at maaaring malabag ang karapatan sa paghahayag ng opinyon at mga hinaing.

Sinabi pa ni Atty. Cortez na maaari din itong malabag sa kamay ng mga mapang-abusong law enforcers.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay hinihimok ng NUPL ang iba pang grupo na makibahagi sa kanilang gagawing aksyon upang makapaghain ng minsanang petition sa Supreme Court.