TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL)na magsilbing babala sa mga nasangkot sa extra judicial killing ang naging hatol ng korte sa pangunahing utak sa maguindanao Massacre.

Ayon kay Atty. Ephraim Cortez, Secretary General ng NUPL, darating din ang panahon na mahahatulan din ang mga ito gaya ng nangyari sa Ampatuan na pangunahing suspek sa pagpatay sa 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag.

Binigyan diin ni Cortez na hindi lahat ng panahon ay may padrino ang mga ito na magtatanggol at magliligtas sa ginawang pang-aabuso sa kapangyarihan.

Pangunahing binalaan ng NUPL ang kapulisan na nagmamalabis sa kampanya kontra sa illegal na droga.

Matatandaan, nagbanta ang NUPL na magsasampa ng kasong crimes and humanity sa united Nations laban kay pangulong rodrigo Duterte oras na bumaba sa pwesto sa 2022.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ng NUPL na responsible umano ni pangulong Duterte sa extrajudicial killings ng bansa at iba’t-ibang kaso ng Human Rights Violation dahil sa madugong kampanya kontra sa illegal na droga.