TUGUEGARAO CITY-Nais lamang umanong patahimikin ng gobyerno ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL)kung kaya’t idinadawit ito sa destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Ephraim Cortez ng NUPL, wala umanong katotohanan at walang basehan ang akusasyon ng Pangulo sa kanilang grupo.

Aniya, maaaring ang mga malalaking kaso na kanilang hinahawakan tulad ng mga sangkot sa illegal na droga, ang pagkwestyon sa marcos burial at marami pang iba kaya galit sa kanila ang pangulo

Sakabila nito , sinabi ni Cortez na hindi umano titigil ang kanilang grupo sa pagpapatupad ng kanilang adbokasiya sa halip ay mas lalo pa umano nila itong papaigtingin.