TUGUEGARAO CITY- Muling nagpadala ng assorted vegetables, bigas at grocery items ang Nueva Vizcaya Agriculture Terminal sa Cagayan para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Sinabi ni Engr. Gilbert Cumilla, Regional Manager ng NVAT na umaabot sa 4, 500 na mga gulay, bigas at mga pa na nagkakahalaga ng P65,000 ang dinala ng dalawang truck sa lalawigan.

Ayon sa kanya, ang mga gulay ay donasyon mula sa NVAT traders at may nalikom din silang pondo na ipinambili ng iba pang mga relief goods.

Idinagdag pa ni Cumilla na sa susunod na linggo ay muli silang magpapadala ng tulong sa lalawigan dahil sa patuloy ang pagdagsa ng mga donasyon sa NVAT.

Una nang nagpadala ng assorted vegetables ang NVAT na nagkakahalaga ng P85,000.

-- ADVERTISEMENT --