Isang oarfish na tinatayang may habang limang metro, ang natagpuang wala nang buhay sa baybayin ng Sitio Canangahan, Barangay Pantao, Libon, Albay bandang alas 4:00 ng hapon noong Enero 19, 2026.

Ayon sa Japanese folklore, ang ganitong uri ng isda na tinatawag ding “doomsday fish” ay nagsisilbing babala sa posibleng pagyanig ng lupa.

Karaniwang namamalagi sa malalim na parte ng karagatan ang nasabing isda na bihirang mapadpad sa mga dalampasigan.