Nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment ang Cagayan Valley Regional Disaster Risk and Reduction Management Council kaugnay sa posibleng banta ng bagyong Jenny.

Sinabi ni Michael Conag, information officer ng Office of Civil Defense Region 2 na matapos ang pulong ay inilagay sa red alert status ang rehion kung saan ay nakataas ngayon ang Charlie protocol sa Batanes at Cagayan na ibig sabihin ay high risk ang mga ito sa posibleng epekto ng bagyo.

Dahil dito, sinabi ni Conag na 24/7 ang kanilang pagbabantay sa mga nasabing lugar at inabisuhan na rin ang mga lokal na pamahalaan na maghanda.

Sinabi ni Conag na dahil sa banta ng bagyo ay nagsuspindi ng klase mula pre-school hanggang secondary ang mga lugar na nakataas ang tropical cyclone win signal no. 1 na kinabibilangan ng anim na bayan sa Batanes at 11 sa Cagayan at maging sa Tuguegarao City ngayong araw.

Bukod dito, sinabi niya na kanselado na rin ang lahat ng paglalayag sa dagat dahil sa nakataas na ang gail warning sa coastal municipalities at kanselado na rin ang mga flights papunta ng Batanes.

-- ADVERTISEMENT --