TUGUEGARAO CITY-Bumuo ang Office of Civil Defense(OCD)-Region 2 ng inter-agency team na binubuo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para magsagawa ng assessment sa naging pinsala ng magkasunod na lindo na naramdama sa Itbayat, Batanes.

Ayon kay Dan Michael Villamil ng OCD-Region 2, ito ay para magsagawa ang Damage of Assessment and Need Analysis (DANA) sa mga nasirang imprastraktura.

Aniya, layon nitong mapabilis ang pagsasagawa ng assessment upang agad na makagawa ng rehabilitation plan.

Kaugnay nito, sinabi ni Villamil na batay sa kanilang unang isinagawang assessment umaabot sa P43 Milyon ang halaga ng restoration may kaugnayan sa kalusugan, P239milyon sa mga paaralan , P12milyon sa national roads habang kasalukuyan ang assessment sa local roads.

Sinabi ni Villamil na ang nasabing assessment ay ang kanilang gagawing basehan sa paggawa ng rehabilitation plan.

-- ADVERTISEMENT --

Una na rin nakapagbigay ng mga tulong pinasyal particular ang DSWD sa mga nasiraan ng bahay at maging ang OWWA kung saan nagpaabot rin ng tulong sa mga pamilya ng mga OFW sa Itbayat.

Sa ngayon, bagamat karamihan sa mga pamilya na naapektuhan ng lindol ay nakauwi na sa kanilang mga tahanan, madami parin umano ang nasa tent city at pansamantalang sumisilong sa mga maayos na silid aralan sa tuwing uulan.

Tinig ni Dan Michael Villamil ng OCD-Region 2

Samantala,sinabi ni Villamil na naging matagumpay ang isinagawang nationwide simultaneous earthquake drill sa rehiyon kung saan ang naging pilot area ay sa Maddela, Quirino.