TUGUEGARAO CITY- Tiniyak ng Office of the Civil Defense (OCD) Region 2 ang na handa ang mga evacuation center sa buong rehiyon para sa mga posibleng mailikas bunsod ng bagyong Carina.
Sa panayam kay Michael Conag, tagapagsalita, bahagi pa ng kanilang hakbang ay upang respondehan ang mga nasa mabababang lugar na madaling maapektohan ng pagbaha.
Aniya, patuloy na nakikipag-ugnayan ang OCD sa mga LGUs at mga concerned agencies sa buong rehiyon upang mamonitor ang sitwasyon bunsod ng sama ng panahon.
Sa ngayon ay wala pa naman aniyang mga naitatalang mga evacuees sa lambak ng Cagayan.
Sinabi pa niya na tanging ang daanan sa bahagi ng Ambaguio, Nueva Vizcaya lamang ang hindi madaanan bunsod ng pagguho ng lupa sa lugar habang wala naman umanong nasaktan sa nasabing insidente.
Samanatala, nagsagawa na rin ng preposition ng mga personnel at paghahanda ng mga mobility ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (CPDRRMO) sa mga posibleng maapektohan ng pagbaha at pag-guho ng lupa sa probinsya.
Ayon kay Atanacio Macalan, Head ng PDRRMO, patuloy pa rin ang monitoring ng kanilang tanggapan katuwang ang ibang ahensya sa mga lugar sa Cagayan kasama na ang mga coastal towns.
Sinabi nito na maayos at managable naman ang sitwasyon sa lalawigan ng Cagayan
Nanawagan naman ang mga opisyal sa publiko na makinig at sundin ang mga paabiso upang makaiwas sa mga sakuna na dulot ng bagyong Carina.