Bahagyang lumakas ang tropical storm Ofel habang kumikilos ito pa-northwestward sa Philippine Sea.

Tinaya na tatahakin ni Ofel ang west northwestward hanggang sa araw ng Huwebes ng gabi bago ito liliko pa-northwestward sa northward sa panahon ng forecast period.

Sa forecast track, posibleng mag-landfall si Ofel sa northern o central Luzon sa Huwebes ng hapon o gabi.

Tinaya na pananatilihin ni Ofel ang lakas nito sa susunod na tatalong araw at magiging typhoon category bukas, November 13 ng gabi o umaga ng Huwebes.

Posibleng maabot nito ang peak intensity bago ito mag-landfall.

-- ADVERTISEMENT --

Namataan ang mata ng ng bagyo sa 950 km east ng Southern Luzon, at ito ay kumikilos northwestward sa bilis na 35 km/h.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 105 km/h.

Kaugnay nito, ibinabala ang malalakas na pag-ulan sa Huwebes ng hapon hanggang Biyernes sa Cagayan at Isabela, habang moderate n to heavy rains naman sa Apayao at Kalinga.

Tinataya na mas malakas ang mga pag-ulan dahil kay Ofel sa mountainous o elevated areas.