Isa nang super typhoon si Ofel habang patuloy ang mabilis na paglakas nito.

Nakataas na ang signal number 5 sa Santa Ana at Gonzaga, Cagayan dahil sa nasabing bagyo.

Signal number 4 sa southeastern portion of Babuyan Islands (Camiguin Is.), sa northern at eastern portions of mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca) at ang northeastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)

Signal no. 3 sa nalalabing bahagi ng Islands, nalalabing bahagi ng Cagayan, ang northern, central, at southeastern portions of Isabela (San Pablo, Delfin Albano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue), ang northern portion of Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao), ang northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg).

Signal no. 2 sa Batanes, ang western at southern portions of Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, Angadanan, Alicia, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Mateo, San Isidro), ang northeastern portion of Quirino (Maddela), nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, ang northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), ang eastern portion of Mountain Province (Paracelis), ang eastern portion of Ifugao (Alfonso Lista), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at ang northern portion of Aurora (Dilasag).

-- ADVERTISEMENT --

Signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, nalalabing bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Mountain Province, nalalabing bahagi ng Ifugao, nalalabing bahagi ng Abra, ang northern portion of Benguet (Bokod, Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay), Ilocos Sur, ang northern portion of La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, San Gabriel, Bagulin, Bacnotan, Balaoan, San Juan), ang northern at central portions of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis).

Tinaya na kikilos ang bagyong Ofel northwestward sa Philippine Sea bago ang landfall sa silangang baybayin ng Cagayan o northern Isabela mamayang hapon.

Tatahakin ng bagyo ang Babuyan Channel habang muling mag-landfall o dadaan malapit sa Babuyan Islands.

Kikilos naman ito sa hilaga hilagang kanlunran patungo sa hilaga hilagang silangan sa katubigan ng Batanes bukas bago ito papuntang hilaga silangan simula sa Sabado sa karagatan ng Taiwan papunta sa Ryukyu Islands.

Posibleng mag-landfall na isang super typhoon si Ofel.

Namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa 165 km east southeast ng Tuguegarao City, at kumikilos pa-hilaga-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na hanggang 230 km/h.