Tinutulan ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang paglaya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kanya.

Giit ng mga tagausig, hindi nararapat ang interim release dahil sa bigat ng mga kasong kinahaharap ni Duterte kaugnay ng umano’y mga krimen na may kinalaman sa crimes against humanity sa ilalim ng kanyang “war on drugs.”

Kinakailangan aniya na mapanatiling nakapiit si Duterte sa ICC upang masigurado umano na hindi ito gagawa muli ng krimen.

Kasama sa mga basehan ng Office of the Prosecutor ay ang impluwensya at mga koneksyon na maari umanong magamit ni Digong para takutin ang mga witness.

Wala pang inilalabas na desisyon ang ICC, ngunit inaasahang maglalabas ito ng pahayag sa mga susunod na araw.

-- ADVERTISEMENT --