Hindi nakita ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa residential at garment factories nito sa Valenzuela, Balintawak at maging sa Bulacan bitbit ang arrest order laban dito.
Ang paghahanap kay Guo ay kasunod ng cite contempt ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality laban kay Guo dahil sa hindi pagdalo sa mga nakalipas na pagdinig sa kabila na may ipinadala sa kanya na subpoena.
Una rito, naghain ng naghain ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng non-bailable na kasong qualified trafficking laban kay Guo at sa 13 pang indibidwal na di umano’y sangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Matagumpay naman na naaresto ng mga otoridad ang dating accountant ni Guo na si Nancy Gamo sa Caloocan City at hawak na siya ng Senado.
Samantala, muling ipagpapatuloy ang pagdinig sa illegal operations ng POGO sa July 29.