Namahagi ng tulong ang Office of the Vice President sa mga biktima ng pagbaha dito sa Lungsod ng Tuguegarao.

Sinabi ni Eymard Eje, chief ng Disaster Operation sa tanggapan ng pangalawang pangulo na naglaan ng relief goods ang opisina ng bise presidente sa mga nasalanta ng bagyo sa Lambak Cagayan kasama na ang Tuguegarao.

Ayon kay Eje, una silang namahagi ng tulong sa probinsiya ng Isabela.

Dagdag niya, na 3000 beneficiaries ang aabutan ng tulong sa lalawigan kung saan 1000 ang inilaan para sa Tuguegarao.

Personal na iniabot ng mga kinatawan ni Vice President Sarah Duterte-Carpio ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Eje, magsasagawa sila ng assessment sa mga karagdagang tulong na ipagkakaloob sa matinding naapektuhan ng bagyo sa probinsiya.