Dumating na ang official ballots para sa lalawigan ng Cagayan kaninang tanghali sa provincial capitol sa lungsod ng Tuguegarao na gagamitin sa halalan sa Mayo 12, 2025.

Ayon kay Mila Mallonga, Provinical Treasurer na kinuha na rin ng bawat munisipyo ang kanilang mga balota, maliban lamang sa Tuguegarao City, Calayan, Gattaran, at Aparri na diretso sa kanilang lugar o hindi na dinala pa sa provincial capitol.

Ipinagbabawal kasi ang mga Municipal Officer at Election Officer na personal na tanggapin ang mga official ballots kung mayroon silang mga kamaganak na tumatakbo sa kahit na anong posisyon sa darating halalan para maprotektahan ang seguridad at kasagraduhan ng mga gagamiting official ballots.

Dinala ng logistics mula sa Commission on Elections central office ang nasa kabuuang 1,191 boxes ng balota at bawat munisipalidad ay may police escort na sumama sa pagkuha nito sa kapitolyo.

Una rito, nagkaroon ng kalituhan kung sino ang magdadala ng mga nasabing balota sa mga munisipalidad, dahil sa sinabi ng Comelec central office na mayroon silang kinontrata na mga sasakyan na magdadala sa mga ito sa mga local government units.

-- ADVERTISEMENT --