Sasailalim sa surgery ang isang overseas Filipino na nagkaroon ng neck fracture at back injury habang sakay ng Singapore Airlines flight na tinamaan ng matinding turbulence.

Inilarawan ng Department of Migrant Workers ang ang kundisyon ng Singapore-based OFW na babae na ‘sensitive’ ngunit nasa maayos na kalagayan, at nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaan para sa isang miyembro ng kanyang pamilya na samahan siya sa ospital sa Bangkok, Thailand, kung saan nagsagawa ng emergency landing ang eroplano.

Ayon sa DMW, ang ikalimang Filipino passenger na 62-year-old na lalaki ay na-confine sa intenstive care unit matapos na mawalan siya ng malay.

Sinabi ng tanggapan na minomonitor ng mga duktor ang kanyang kundisyon, at binabantayan siya ng kanyang pamangkin na nakabase sa Bangkok.

Sasagutin naman ng Singapore Airlines ang lahat ng gastos ng mga naapektohang pasahero.

-- ADVERTISEMENT --

Lulan ng nasabing eroplano ang 211 passengers at 18 crew members.