Isusunod sanang pag-aralin ng namatay na Pinay OFW sa Singapore ang kanyang lalaking anak na pansamantalang huminto sa pag-aaral upang patapusin muna ang babaeng anak.

Kwento sa Bombo Radyo ni Jacky Leste-Alariao, anak ng nasawing OFW sa Singapore na si Abigail Leste na magtatapos na siya ngayong buwan ng Marso sa kursong hospitality industry management.

Aniya, pansamantalang huminto sa pag-aaral ang kanyang kuya dahil mag-isang itinataguyod ng kanilang ina ang pamilya matapos maghiwalay ang mga magulang.

Dagdag pa ni Alariao na laging tumatawag ang kanilang ina upang kumustahin ang kanilang kalagayan lalo na ang kanyang apo.

Nabatid na 15 taon bilang OFW sa Singapore si Abigail, 40-anyos kung saan huli siyang umuwi nitong October 2019 nang namatay ang kaniyang ama.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Jacky Leste-Alariao, anak ng nasawing OFW sa Singapore

Tiniyak naman ni Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration ang ayuda gaya ng scholarship grant at livelihood assistance sa naiwang pamilya ng naturang OFW maliban sa ibibigay na death at burial assistance.

Tinig ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac

Samantala, nagpasalamat ang anak ng OFW sa mga tumulong para maiuwi sa Barangay Paddaya, Aparri ang mga labi ng kaniyang ina.