TUGUEGARAO CITY-Labis ang pasasalamat ng isang Overseas Filipino Worker na nagtatrabaho sa Japan nang makatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno ng naturang bansa.

Ayon kay Katrina Invierno, tubong Allacapan, Cagayan na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang clothing company sa Japan,nagkakahalaga ng 100,000 yen o katumbas ng P50,000 ang natanggap na tulong pinansyal mula sa pamahalaan ng Japan.

Aniya, malaking tulong ito dahil apektado rin ang pinagtatrabahuang kumpanya ng pandemya.

Sinabi ni Invierno na nabawasan ang araw ng kanilang pagpasok at wala na rin silang overtime kung kaya’t bahagyang nabawasan ang natatanggap na sahod.

Sa kabila nito, labis pa rin ang kanyang pasasalamat dahil hindi sila pinapabayaan ng pamahalaan ng Japan.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sinabi ni Invierna na binibigyan din sila ng libreng face mask bilang proteksyon sa nakamamatay na sakit.

Sa ngayon , sinabi ni Invierna na ipinagbabawal rin sa lugar ang pamamasyal sa mga pampublikong lugar at mahigpit na ipinatutupad ang mga health protocols.

Ang Japan ay mayroon ng 53,577 na kabuuang kaso ng covid kung saan nasa 1085 ang namatay.with reports from Bombo Eliseo Collado