CTTO

TUGUEGARAO CITY-Nananatiling ligtas at tahimik ang mga OFW o Overseas Filipino Workers (OFW) sa Saudi Arabia sa kabila ng tension sa pagitan ng USA at Iran.

Sa naging panayam kay Maricel Agorto, domestic helper sa Jeddah, Saudi Arabia na tubong Barangay San Antonio, Baggao, tahimik pa sa ngayon ang lugar na kanyang kinaroroonan.

Ngunit, sa kabila ng katahimikan, sinabi ni Agorto na siya ay kinakabahan dahil sa posibleng pagsiklab ng giyera.

Bagamat sinabi umano ng kanyang amo na huwag siyang mag-alala dahil isasama naman siya sa lugar na kanilang pupuntahan kung sakali na magkaroon ng giyera, hindi pa rin matanggal ang takot ni Agorto lalo na at wala ang kanyang amo sa ngayon dahil nasa Dubai.

Ayon kay Agorto, hindi naman siya makalabas sa bahay ng kanyang amo dahil hawak nila kanyang passport.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Agorto na batay sa text ng kanyang amo ay darating sila ngayong araw sa kanilang bahay kung kaya’t hindi pa niya alam kung ano ang magiging desisyon ng kanyang amo kung sakali na lumala ang girian ng Iran at Amerika.