TUGUEGARAO CITY-Tanging ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa mainland China ang mabibigyan na lamang ng tulong pinansyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay Hans Leo Cacdac ng Owwa, ito ay matapos tanggalin ng gobyerno ng Pilipinas ang ban para sa mga Filipino migrant workers na papuntang Hong Kong at Macau sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kaugnay nito, sinabi ni Cacdac na umaabot na sa 7,500 na OFWs ang kanilang nabigyan ng tulong kung saan nakatanggap sila ng tig-P10,000.
Aniya, 90 percent sa mga nabigyan ng tulong ay ang mga nagtatrabho sa hongkong.
Samantala, pinayuhan ni Cacdac ang mga OFWs na muling babalik sa Macau at Hongkong na hintayin ang ilalabas na format ng Philippine Overseas Employment Administration para sakanilang muling balik trabaho.
Ang Poea kasi aniya ang nakatalaga na magpatupad ng inter agency task force resolution para sa mga OFWs na babalik sa mga naturang lugar.
Muli namang pinaalala ni Cacdac sa mga OFWs ang tamang aspeto ng kalusugan para makaiwas sa covid-19.