TUGUEGARAO CITY-Pinaghahandaan na ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Shenzhen, China ang posibleng pagsara ng mga restaurant at iba pang establishimento dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektado ng Novel Coronavirus (nCov).

Ayon kay Glory Eheng, waitress sa isang restaurant sa Shenzhen, China, madalang na umano ang mga nagtutungo sa mga establishimento at ang pangunahing ino-order lamang pasta at tinapay.

Aniya, bihira na umano ang bumili ng karne at gulay dahil sa pangamba ng apektado rin ito ng nasabing virus.

May ilang restaurant at establishimento na rin sa nasabing lugar ang pinaiksi ang operasyon dahil sa pagbaba ng bilang ng mga tao na pumupunta sa lugar.

Vc Eheng feb 2

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, limitado na rin umano ang pagbebenta ng face mask sa ShenZhen, China kung saan 25 piraso na face masks at isang alcohol lamang ang maaaring ibenta sa isang mamimili.

Aniya,ito ay dahil nagkaka-ubusan na umano ang mga supply ng face mask at alcohol sa lugar.