TUGUEGARAO CITY- Nasa maayos umanong kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers sa Singapore matapos na biglang lumobo ang bilang ng kaso ng covid-19 nitong buwan ng Abril.

Sinabi ni Ederlina Duran, masunurin kasi ang mga OFWs sa Singapore dahil sa nananatili sila sa loob ng bahay ng kanilang mga amo.

Aniya, pinayuhan na rin kasi na manatili lamang sa loob ng bahay kung walang mahalagang gagawin sa labas.

Sa katunayan, halos dalawang buwan ng hindi niya nakikita ang kanyang mga kakilalang mga Pinoy sa Singapore.

Ayon sa kanya, wala pa siyang nababalitaan na Pinoy na nakapitan ng nasabing virus.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Duran na ang nagkakasakit ng covid-19 sa Singapore ay mga dayuhan tulad ng mga Indians, Bangladeshi at iba pa dahil sa siksikan anbg mga ito sa mga inuupahang bahay.

Umaabot na sa mahigit 17,101 ang kaso ng covid-19 sa Singapore kung saan 16 ang namatay.